Umarangkada na ang joint naval patrol ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia sa mga border ng tatlong bansa bilang bahagi ng trilateral agreement kontra trans-national crime.
Dinaluhan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana ang launching ng joint patrol sa Tarakan, Indonesia kasama si Malaysian Minister of Defense Hishammuddin Hussein at Indonesian Minister of Defense Ryamizard Ryacudu.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman, Brig. General Restituto Padilla, layunin ng kasunduan na mabantayan ang mga seaborder ng tatlong bansa laban sa mga posibleng pagpasok ng mga teroristang grupo at maiwasan ang mga insidente kidnapping.
Kabilang sa mga tututukan ng joint naval patrol ang Celebes Sea at Sulu Sea.
By Drew Nacino
PH-Malaysia-Indonesia joint naval patrol umarangkada na was last modified: June 20th, 2017 by DWIZ 882