Nasungkit ng Philippine Malditas ang unang round ng women’s football event ng 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Pinataob ng Philippine Women’s Football Team sa Group B ang host nation na Malaysia sa score na 2-1 sa kanilang paghaharap, kagabi.
Nag-ambag ng goal para sa Pilipinas sina Patricia Impenido at Camille Rodriguez.
Sunod na makakaharap ng Malditas ang Vietnam, sa University of Malaysia Arena, bukas.
By Drew Nacino