Hindi na nagulat ang paggigiit ng Pangulong Rodrigo Duterte na maipatupad na ang 2016 arbitral ruling kaugnay sa claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon ito sa political analyst na si Professor Ramon Casiple, dahil mapapahiya ang Pilipinas kung hindi igigiit na maipatupad ang nasabing desisyon lalo na’t maraming bansa na ang sumusuporta sa claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Subalit sinabi sa DWIZ ni Casiple na mayroong kinalaman sa eleksyon sa Amerika ang pagbanggit ng pangulo sa nasabing isyu kung saan pangunahing sumusuporta sa bansa ang Estados Unidos.
Mapapahiya tayo, e. Tayo ang nanalo,ang US ang nag-invoke. Ang tagal na n’yan, e, pero hindi masyadong tinutulak ng Pilipinas. Hindi lang Amerika [ang nag-invoke], pati sa Europe, ilang bansa din ‘yon na nagsalita na rin kaya lumalaki ngayon ‘yung issue na ‘yan, at ang posibilidad na makuha natin ang suporta ng mundo,” ani Casiple. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas