Pinangunahan mismo nina Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar at Philippine Marine Corps Brigadier General Ariel R. Caculitan ang ceremonial groundbreaking ng multi-purpose building project sa Marine Base – Camp Gregorio Lim sa Ternate, Cavite.
Ayon kay Secretary Villar, na siyang guest speaker ng Graduation Exercise ng Marine Basic Course Classes, pinondohan ng halagang P10-M mula sa General Appropriations Act sa 2019, kung saan ang multi-purpose project ay layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga tapat, full-fledged marines at cadets, na matugunan ang kanilang mga pangangailangang pisikal at tumibay ang kanilang samahan sa pagitan ng Marine Corps.
Paliwanag ng kalihim, ipinatupad ng DPWH-Cavite Second District Engineering Office, kung saan ang naturang project ay may lawak na 40-meter by 80-meter wide covered court na mayroong bleachers, stage, at restrooms na maaaring magamit sa sports at iba pang mga okasyon.
Dagdag pa ni Villar, ang naturang proyekto ay bahagi ng suporta ng gobyerno sa Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas na nangangalaga ng peace and order sa ating bansa.
Sa panulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)