Nai-launch na patungong kalawakan partikular sa International Space Station o ISS ang kauna-unahang microsatellite ng Pilipinas na Diwata-1.
Pinalipad ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang United Launch Alliance Atlas 5 rocket na magdadala sa Diwata 1 mula Cape Canaveral, Florida sa Amerika patungong ISS ngayong araw, 11:05 AM, oras sa Pilipinas.
Buong suporta namang nag-cheer ang ilang matataas na opisyal ng University of the Philippines (UP) at Department of Science and Technology (DOST) kung saan sabayang pinanood ang final launch.
Habang nasa kalawakan, gagamitin ang satellite upang i-monitor ang weather disturbances at disaster sa Pilipinas.
Credit: Screenshot from NASA