Muling nakakuha ng pwesto ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council.
Ito ang inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kabila ng mahigpit na pagtutol at pagharang ng international human rights group na Human Rights Watch.
Sa isinagawang botohan sa New York City, nakakuha ang Pilipinas ng 165 na boto mula sa 193 miyembro ng UN General Assembly.
Dahil sa tagumpay ng Pilipinas, muling magsisilbi ang bansa ng tatlong taon sa UN Human Rights Council mula 2019 hanggang 2021.
Bukod naman sa Pilipinas, nahalal din bilang miyembro ng council ang mga bansang Argentina, Austria, Bahamas, Bahrain, Bangladesh, Bulgaria, Czech Republic, India, Italy, Uruguay, Somalia, Cameroon at iba pa.