Nakakuha na ang Pilipinas ng unang gintong medalya sa ginaganap na 9th ASEAN Para Games sa Kuala Lumpur Malaysia.
Ito ay matapos manalo ng pambato ng bansa sa javelin competition na si Cendy Asusano.
Nakuha naman ng kapwa Pilipinong javelin player na si Jesebel Tordecilla.
Bukod dito, dalawang silver medal na rin ang sungkit ni Arthus Bucay sa para cycling.
Habang kapwa bronze naman ang napanalunan nina Claire Cazalo sa para swimming at relay team na binubo nina Ernie Gawilan, Gary Bejino, Roland Sabido at Arnel Aba.
—-