Nakatakdang bumili ang Pilipinas ng mga intelligence gathering equipment sa Israel.
Ito ang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanyang pulong kay Israeli President Reuven Rivlin.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa Israel lamang bibili ang DND at AFP ng mga intelligence gathering equipment.
Kabilang ang Israel sa major military arms dealer kung saan halos 60 porysento ng defense exports nito ay para sa Asia-Pacific market.
Samantala, muling inihayag ng punong ehekutibo ang kanyang pagkadismaya sa paraan ng pagbebenta at pagdo-donate ng Estados Unidos ng military equipment sa Pilipinas.