Nananatili pa rin ang Pilipinas sa listahan ng US State Department, ng mga itinuturing na “Major Money Laundering Countries” para sa 2016.
Ito ay matapos padaanin sa Pilipinas ang 81 million dollars na kinuha mula sa account ng Bangladesh Bank sa US Federal reserve sa New York.
Sinabi sa International Narcotics Control Strategy Report, na malaking problema ang money laundering sa Pilipinas dahil sa umiiral na drug trade at human trafficking sa bansa, gayundin ang pagkakaroon ng mataas na remittance mula sa mga Pilipinong nagta – trabaho sa labas ng bansa.
Sinabi rin sa report na madalas magamit ang Pilipinas dahil sa ilang butas sa anti – money laundering programs nito, katulad ng hindi pagsailalim sa mga casino sa anti – money laundering council.
Maliban sa Pilipinas, sinabi ng US State Department na mayroon pang 87 bansang kasama sa “Major Money Laundering Countries.”
By Katrina Valle