Nirerespeto ng Pilipinas ang pagkontra ng Malaysia hinggil sa ginawang pagkondena nito bilang Chair ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.
Kaugnay ito sa nararanasang humanitarian crisis sa bansang Myanmar bunsod ng ginagawang pagpatay sa mga Rohingya na minority Muslim population sa nasabing bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, pribilehiyo ng Pilipinas bilang chairman ng ASEAN na maglabas ng pahayag kahit hindi pabor dito ang iba pang ASEAN member countries.
Gayunman, iginiit ni Cayetano na ang kaniyang naging pahayag sa UN Security Council Meeting ay pananaw at tindig ng Pilipinas bilang chairman at hindi ng buong ASEAN region.
Nakaugalian na ng mga ASEAN member states na magkasundo sa kung anumang pahayag ang inilalabas ng chairman country nito sa iba’t ibang issue sa rehiyon.
—-