Aminado ang Philippine Navy na kulang ang kakayahan nilang protektahan ang mga teritoryo ng Pilipinas sa karagatan.
Inihalimbawa ni Philippine Navy Chief, Vice Admiral Robert Empedrad, ang anya’y namomonitor nilang poachers na galing ng Vietnam at iba pang mga bansa sa Southeast Asia.
Ayon kay Empedrad, bilyon-bilyong pisong halaga ng isda ang nawawala sa mga mangingisdang Pilipino dahil hindi nila kayang itaboy ang napakaraming poachers.
Subalit kung sapat lamang sana anya ang barko ng Philippine Navy ay kaya nilang habulin at pananagutin ang mga nangunguha ng isda sa teritoryo ng Pilipinas.
Empedrad wala pang alok na gov’t position
Wala pang alok na puwesto sa gobyerno kay Flag officer-in-command Vice Admiral Robert Empedrad pagkatapos nitong magretiro sa February 3.
Ayon ito kay Empedrad bagamat handa pa rin siyang maglingkod sa ilalim ng Duterte administration sakaling alukin ng puwesto.
Sinabi ni Empedrad na handa siyang tulungan ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil naniniwala siya sa tamang direksyon ng pamamahala na tinatahak nito. —sa panulat ni Judith Estrada-Larino