Nagsimula nang kumilos ang Philippine Navy at Philippine Air Force sa pagdadala ng supplies at relief goods sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Odette.
Sa pamamagitan ng C-130 planes ay naihatid ang tinatayang 33,797 lbs na relief goods.
Kabilang dito ang mga tents, sako ng bigas, mga gallon ng tubig, mga de lata, toiletries, mga damit na donasyon at generator sets. —sa panulat ni Mara Valle