Naka-deploy ngayon sa West Philippine Sea ang mga barkong pandigma ng Pilipinas partikular na ang BRP Gregorio Del Pilar.
Ito’y ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. General Restituto Padilla, bahagi ang ginagawang pagpapatrolya ng sub-routinely activities ng militar.
Paglilinaw naman ni Padilla, walang kinalaman ang deployment ng BRP Gregorio Del Pilar sa ginawang pagbisita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Pag-asa Island kahapon.
Layunin aniya ng nasabing pagpapatrolya ng barkong pandigma ng Pilipinas na bantayan ang teritoryo ng bansa at pangalagaan ang soberenya ng Pilipinas.
By Jaymark Dagala
BRP Gregorio Del Pilar nagpapatrolya sa West PH Sea was last modified: April 22nd, 2017 by DWIZ 882