Naghahanda na ang puwersa Philippine Navy sa posibleng deployment ng kanilang naval task group sa Libya matapos dukutin ang tatlong Filipino engineer at isang South Korean.
Ito ang inihayag ng Navy sa gitna ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpadala ng frigate o barkong pandigma sa Libya upang iligtas ang tatlong Pinoy.
Kinumpleto na lamang anya ng Philippine Navy ang detalye ng operasyon maging ang “go signal” ni Pangulong Duterte bago tumulong sa Department of Foreign Affairs.
Hulyo a-sais nang dukutin ang mga Filipino engineer at isang South Korean mula sa isang water project site.
Una ng nagdeploy ang SoKor ng kanilang warship upang makibahagi sa anti-piracy operations sa Gulf of Aden na alternatibong waterway patungong Libya.