Ipadadala na ng Philippine Navy sa Naval Forces Western Mindanao NFWM ang karagdagang sea assets at ilang piling personnel upang labanan ang Abu Sayyaf at mapigilan ang serye ng pagdukot sa mga seafarers malapit sa Malaysian at Indonesia border.
Ayon kay Navy flag-officer-in-command, rear admiral Ronald Mercado, 30 speedboats ang idedeploy upang tumulong sa AFP-Western Mindanao Command na sugpuin ang ASG.
Ito ang tiniyak ni Mercado matapos ang opisyal na pag-upo ni rear admiral Rene Medina bilang NFWM Chief kapalit ni rear admiral Jorge Amba, na itinalaga naman bilang commander ng naval education and training command sa Zambales.
Magpa-patrol ang karagdagang speedboats sa Tawi-Tawi at Sulu kung saan kadalasang nagaganap ang mga kidnapping incident.
Sa kasalukuyan ay mayroon pang 26 na bihag ang bandidong grupo kabilang ang 6 na filipino.
By: Drew Nacino