Lumahok ang Philippine Navy Patrol ship na BRP Ramon Alcaraz sa maritime exercise kasama ang US navy at iba pang Southeast Asian fleets.
Sinasabing ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsanib-pwersa ang mga naturang bansa sa katulad na military drill.
Magugunitang inorganisa ng American at The Royal Thai navies ang drill na tumagal ng limang (5) araw at nagtapos nitong Biyernes, Setyembre 6.
Ayon kay Capt. Hilarion Cesista, head ng Philippine Contingent, napalakas ng navy ang kanilang maritime operational capability dahil sa nabanggit na military exercise.