Pasok ang Pilipinas sa sampung pinakamaunlad na ekonomiya sa Asya pagdating sa growth domestic product o GDP, batay sa 2018 World Economic Outlook ng International Monetary Fund o IMF.
Umabot sa 955.2 billion dollars ang GDP ng Pilipinas ngayong taon.
Bagaman sunud-sunod na nauungusan ng iba pang Asian country, nananatili ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Nangunguna pa rin ang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo na China sa top Asian economies na may 25.3 trillion dollars; India, 10.38 trillion; Japan, 5.6 trillion dollars; Indonesia, 3.4 trillion dollars; South Korea, 2.1 trillion dollars; Thailand, 1.3 trillion dollars; Taiwan, 1.2 trillion dollars; Pakistan, 1.1 trillion dollars at Malaysia, 1 trillion dollars.
—-