Posibleng bumaling sa Russia o China ang Pilipinas para humingi ng military assistance.
Pahayag ito ni Communications Secretary Martin Andanar sa harap ng pag-usad na di umano ng proseso para kanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) –isa sa mga kasunduan ng Pilipinas at ng Amerika.
Ayon kay Andanar, ang pagkansela sa VFA ay mensahe ng pangulo sa Amerika na hindi yuyukod ang Pilipinas sa kanilang neo-colonialism.
Una rito, binalaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang U.S. Embassy na ikakansela nya ang VFA kapag hindi nila itinama ang kinansela nilang U.S. visa ni Senador Ronald Dela Rosa sa loob ng isang buwan.