Posibleng maungusan ng Myanmar ang Pilipinas sa oras na hindi agad matutuldukan ang katiwalian at maaayos ang problema sa peace and order.
Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinangunahan niyang situation briefing sa epekto ng Bagyong Ompong sa Isabela.
Ayon kay Pangulong Duterte, pine-perpekto na niya ang kanyang mga propsed ammendment sa procurement law na isusumite sa Kongreso sa mga susunod na araw bilang solusyon sa lowest bid na ugat ng katiwalian.
Ang peace and order problem naman anya ay dapat ding masolusyonan agad kung nais ng bansa na makapanghimok ng mas maraming investor at turista.
Idinagdag pa ng pangulo na kung hindi matutuldukan ang kaguluhan sa Mindanao at insurgency ay hindi uunlad ang bansa.