Posibleng umutang ang Pilipinas ng $500 milyon sa World Bank upang mapondohan ang recovery at reconstruction sa mga lugar na napinsala ng Bagyong Ompong.
Ito, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, ay sa oras na magdeklara ng state of national calamity si Pangulong Rodrigo Duterte.
Inirekomenda na aniya ng mga disaster-monitoring agency ng bansa kay Pangulong Duterte ang deklarasyon ng state of national calamity upang magkaroon ng access ang Pilipinas sa $500 milyon loan na may paborableng interest rate.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang pitumpu na ang namatay sa pananalasa ng bagyo habang nasa isang milyong katao na ang apektado at mahigit P14 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura pa lamang.