Kumikilos na ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang papanagutin ang China sa di umano’y maramihang paghango ng giant clams sa Scarborough Shoal.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na nahuli na rin nilang ginagawa ito ng China kaya’t naghain sila ng diplomatic protest.
Pinag-aaralan na rin aniya ng kanilang legal department ang kaso na maaaring isampa laban sa mga nasa likod ng illegal na paghango ng giant clams sa teritoryong inaangkin ng Pilipinas.
Una rito, ibinunyag ng ilang mangingisdang Pilipino na habang itinataboy sila sa pangingisda sa Scarborough, ilang wooden trollers na may bandila ng China ang humahango naman ng giant clams sa naturang lugar.
—-