Tumaas ang ranking ng Pilipinas sa 2017 World Press Freedom Index.
Sa inilabas na resulta ng “Reporters Without Borders” mula sa ika-138 ay umakyat ng labing isang (11) puwesto ang Pilipinas.
Sa ika-127 na ranggo, nagtamo ang Pilipinas ng global score na 41.08 kumpara sa 44.66 noong nakaraang taon.
Sinasabing kaya tumaas ang ranking ng Pilipinas ay dahil sa pagbaba ng bilang ng mga mamamahayag na napatay noong 2016.
Sa kabila nito, nananatili pa rin anila ang Pilipinas sa mga delikadong bansa para sa media men.
Maliban dito, isinama rin ng Reporters Without Borders ang Pilipinas sa mga bansang may “difficult situations” kasunod ng mga nagiging patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa media.
By Meann Tanbio
PH ranking sa 2017 World Press Freedom Index tumaas was last modified: May 6th, 2017 by DWIZ 882