Namahagi ng 650 pabahay ang Philippine Red Cross sa mga residenteng biktima ng Super Typhoon Yolanda bilang bahagi ng patuloy na rehabilitasyon sa mga lubhang naapektuhan ng nasabing bagyo.
Pinangunahan ni PRC Chairman at Senador Richard Gordon ang ceremonial turnover ng mga bahay na isinagawa ng organisasyo sa tulong ng Qatar Red Crescent Society.
Tiniyak ni Gordon na disaster resilient o mananatiling buo sa kabila ng sakuna ang kanilang ipinamahaging bahay sa Pitong baranggay sa bayan ng Sta. Fe sa Leyte.
Bukod dito, nagbigay din ng pagsasanay ang PRC sa mga residente kung paano magkumpuni at patitibayon ang kanilang mga bahay kapag may inaasahang tatamang malakas na bagyo sa kanilang lugar.
Posted by: Robert Eugenio