Idinepensa ng permanent representative ng Pilipinas sa United Nations ang ginagawang kampaniya ng administrasyong Duterte kontra sa iligal na droga sa bansa.
Sa isang diplomatic note ni Ambassador Cecilia Rebong, sinabi nito na walang shoot to kill order si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis laban sa mga hinihinalang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Binigyang diin pa ni Rebong, malinaw ang atas ng Pangulo sa mga pulis na ipagtanggol ang sarili kung nanganganib na ang kanilang buhay dahil sa panlalaban ng kanilang mga inaarestong drug personalities.
Ginawa ni Rebong ang pahayag sa ikalawang araw ng 33rd session ng UN Human Rights Council sa Geneva, Switzerland bilang tugon sa batikos ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco (Patrol 25)