Nagpulong sina Philipine Navy Flag-Officer-in-Command, Vice Admiral Robert Empedrad at Russian Navy Commander Admiral Ivanovich Korolev.
Ito’y upang talakayin ang pinaigting na security cooperation sa pagitan ng dalawang hukbong pandagat.
Ayon kay Navy Spokesman, Commodore Jonathan Zata, naganap ang pulong sa Navy Day celebration ng Russia sa lungsod ng Saint Petersburg.
Tiniyak anya ng Russian Navy Chief ang suporta sa upgrade program ng Philippine Navy partikular sa training, maintenance at pagpapantili ng future acquisition tulad ng mga submarine.
—-