Story and Photo By Raoul Esperas
Tumulak papuntang France ang 25 miyembro ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA) na magiging bahagi ng delegasyon ng Pilipinas na lalahok sa 2018 International Practical Shooting Confederation (IPSC) Shotgun World Shoot Competition na gaganapin sa Châteauroux.
Ang nasabing kumpetisyon ay magsisimula mula June 3 hanggang 10 na lalahukan ng aabot sa 1,000 delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon kay PPSA President at IPSC Regional Director Edwin Lim, tiwala siyang magiging maganda ang performance ng mga Pinoy shooter matapos sumailalim sa matinding qualifying matches ang mga ito.
Kasabay nito humiling din ng dasal at suporta si Lim para sa grupo.
“We need all the support & prayers for the Philippine Shotgun Delegation members to prove once again that filipIno shooters are the best shooters in the world.”
Ang IPSC World Shotgun Competition ay ginaganap sa France kada tatlong taon.
Samantala, inaasahan namang magiging host ang Pilipinas ng Australasia International Handgun Championships sa 2019.
Members of the Philippine Shotgun Team:
MEN’S MODIFIED TEAM
EDCEL JOHN GINO
JEROME MORALES
DOJO PALINES
REGGIE TORREJOS
STANDARD TEAM
RAUL TOLENTINO
RIDGIE ORINA
GIL DAVID
LEONARDO GINO
LADIES MODIFIED TEAM
LIZ DELA ROSA
JANICE NAVATO
ABBY CUYONG
JANNETTE GONZAGA
Members of the Philippine Team Delegation:
NAD MAGPANTAY
CHITO GARCIA
BENEDICT DELA CRUZ
CHARLES NALUPTA
PHILIP SANTOS
ANDY GONZAGA
WILFREDO ANGLO
BRYANT YU
RALPH ALVAREZ
EDMUND VILLAVICENCIO
RONALD BARCELONA
JOSELITO PLACIDES
Good Luck!
—-