Naniniwala si Ambassador Designate to China Chito Sta. Romana na mahalagang maunawaan ang ugali ng China para maresolba ang problema sa teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Sta. Romana na maliban sa usapin sa teritoryo, mayroong ibang usapin na maaaring mapagkasunduan ang Pilipinas at China, katulad ng sa pagnenegosyo.
Binigyang diin ni Sta. Romana na mahalagang mapayapang maresolba ang problema sa West Philippine Sea, bago ito mauwi sa bakbakan katulad ng nangyari sa Vietnam.
Bahagi ng pahayag ni Ambassador Designate to China Chito Sta. Romana
Ties
Ipinaliwanag naman ni Sta. Romana na hindi basta-basta matitinag ng mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa.
Aniya ito ay dahil maliban sa mga tratadong nilagdaan ng mga bansa, hindi din maaaring mabalewala ang matagal at malalim na pagkakaibigan ng Pilipinas at ng ibang bansa.
Nagkataon lang aniya na sa ngayon ay binubuksan na din ng PILIPINAS ang kanyang pinto para sa posibleng pakikipag-alyansa sa mga bansa sa rehiyon.
Bahagi ng pahayag ni Ambassador Designate to China Chito Sta. Romana
By Katrina Valle | Karambola