Dapat magpaliwanag ang Pilipinas sa International Community kung bakit nito sinira ang mga nilagdaang tratado na nagtataguyod sa karapatang pantao.
Ito’y ayon sa CHR o Commission on Human Rights kasunod ng pagpasa ng Mababang Kapulungan sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Ayon sa CHR, hindi katanggap-tanggap na talikuran ng Pilipinas ang mga nilagdaan nitong kasunduan na isang pagsira sa pananagutan nito.
Sa ilalim ng mga alituntunin ng United Nations, hindi kailanman maituturing na pinakaseryosong krimen ang mga drug related offenses.
By Jaymark Dagala