Sinimulan na ng special team na binuo ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang imbestigasyon sa nabunyag na lupa mula sa Zambales ang ginamit ng China sa kanilang reclamation activities sa West Philippine Sea.
Partikular na iimbestigahan ng DENR Special Team sa pamumuno ni DENR Undersecretary Art Valdez ang di umano’y shipment ng mga lupa mula Sta. Cruz Zambales patungo sa reclamation project ng China malapit sa Shoal.
Kasabay nito ay tiniyak ni DENR Secretary Gina Lopez na may ulong gugulong sa DENR sakaling mapatunayan na nagbigay sila ng permit para sa shipment ng lupa.
Una rito, ibinunyag ni Zambales Governor Amor Deloso na ilang nickel mining firms ang nagdadala ng lupa mula sa kabundukan ng Sta. Cruz Zambales patungo sa reclamation site ng China.
By Len Aguirre