Humakot ng medalya sa World Online Poomsae Open Challenge ang Philippine taekwondo na isinagawa noong Setyembre 27 hanggang Oktubre 31, 2021.
Kabilang sa nakasungkit ng gintong medalya si Angelica Gaw sa Under 30 dibisyon ng open individual category na umiskor ng 7.650.
Nakuha naman ni Jun Ninobla ang 2nd place o silver medal sa Under 60 dibisyon ng men’s national team individual category na umiskor naman ng 7.470.
Pumangalawa din si Justin Kobe Macario sa mahigit 17 men’s national team freestyle category.
Samantala, sina Vincent Gabriel Rodriguez at Paul Anthony Rodriguez naman ang naging 2nd place sa siblings division ng family pair category habang naiuwi naman ni Janna Dominique Oliva ang bronze medal sa Over 17 women’s national team freestyle category.
Ang World Taekwondo Online Poomsae Open Challenge III ay isang virtual competition kung saan, nagpapadala online ang ang mga atleta ng kanilang poomsae performance video bilang kanilang entry sa nasabing kompetisyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero