Muling nalagasan ang mga miyembro ng Philippine team na lalahok sa 29th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia, simula sa Agosto 19 hanggang 30.
Kabilang sa pinakabagong nawala sa Philippine delegation ang figure skater na si Samantha Mary Lynn Cabiles at track cyclist Kristian Emmanuel Reyes.
Dahil sa problema sa kalusugan, nagpasya si Cabiles na huwag munang lumahok sa women’s individual figure ice skating event habang si Reyes ay na-injury habang nagte-training sa South korea.
Una ng ipinull out ni Philippine Chief-De-Mission Cynthia Carrion ang mga gymnast na sina Rachele Arellano at Adrian Mirasol Apuyan.
Mula sa 497 atleta ay 493 na lamang ang lalahok sa 37 sports events sa SEA Games.
By Drew Nacino