Napanatili ng Pilipinas ang mataas na gender gap equality sa Asya batay sa Global Gender Gap report 2018 ng World Economic Forum (WEF).
Sa Global Gender Gap Report, umakyat ang Pilipinas sa ikawalong pwesto kumpara sa 10th rank noong isang taon sa isandaan apatnapu’t siyam (149) na bansa.
Sinusuri sa naturang report ang estado ng pantay na karapatan ng magkaibang kasarian sa pamamagitan ng economic participation at opportunity, educational attainment at health.
Samantala, nananatili ang Iceland bilang “most gender neutral” country na sinundan ng Norway, Sweden at Finland.