Umakyat na sa pang-51 puwesto ang Pilipinas sa Rule of Law Index, ng World Justice Project.
Ayon kay American Bar Association Rule of Law Initiative Director Elizabeth Andersen, ito ay dahil sa ipinatupad na reporma sa hudikatura, kabilang na ang pagtatanggal sa Pilipinas sa listahan ng intellectual property watch list.
Naniniwala naman si Philippine Ambassador to the United States Jose Cuisia Jr. na gumanda ang ranking ng bansa, dahil sa pagsunod ng Pilipinas sa international law.
Sinusukat sa naturang index ang pagkakaroon ng maayos na pagpapatupad ng batas ng isang bansa at ang mabilis na pagbibigay ng hustisya at pagpapanagot sa mga nagkasala.
By Katrina Valle | Kevyn Reyes