Sinimulan na ng Pilipinas at Estados Unidos ang Joint Marine Exercises upang mapatatag ang Maritime Security Capabilities ng dalawang bansa.
Ito, Ayon sa U.S. Embassy sa Pilipinas, ay bahagi rin ng paggampan ng dalawang bansa sa kanilang mutual commitment para mapahusay ang “security at stability” sa Indo-Pacific Region.
layunin din ng ginaganap na Marine Exercise o MAREX 2022 na mas mapahusay ang pagtugon ng Pilipinas at Amerika sa natural disasters.
Tinukoy pa ng Embahada na bunsod ng COVID-19 pandemic, babawasan ng puwersa ang physical contact sa kabuuan ng exercise at nagpapatupad ng protocols upang mapahupa ang pagkalat ng virus.
Inihayag naman ni Maj. Gen. Ariel Caculitan, Commandant ng Philippine Marine Corps na dapat ipagpatuloy ang pagsasagawa ng training dahil kapwa magpapahusay ito sa kapabilidad ng Pilipinas at U.S.
Kabilang sa mga aktibidad ang amphibious assault coordination at execution, subject matter expert exchanges at integrated maritime operations.
Magtatagal ang nasabing aktibidad hanggang February 2.