Muling inihayag ng Estados Unidos ang matibay na alyansa nito sa Pilipinas sang-ayon sa Mutual Defense Treaty ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito ang inihayag ni U.S. Secretary of Defense Lloyd Austin III sa isang phone call kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Mababatid na sa naturang phone call ng dalawang opisyal, pinag-usapan ng mga ito ang ilang developments sa usapin ng bilateral relation ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga ito ang seguridad sa West Philippine Sea at ang usapin sa capability upgrade sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sa huli, iginiit ng dalawang bansa na magpapatuloy ang kanilang dayalogo hinggil sa iba’t-ibang usapin lalo na anila sa pamamaraan na puwedeng gawin ngayong may pandemya.