Pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang alyansa ng dalawang bansa at ikinukunsidera na ang pagsasagawa ng ‘high-level meetings’ sa unang bahagi ng taong 2022.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nangyari ang pulong noong December 11 sa pagitan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Junior at U.S. Undersecretary of State for Political Affairs Victoria Nuland.
Naganap ito sa G7 Ministerial meetings sa Liverpool, United Kingdom na ginanap noong December 10 hanggang 12.
Ayon kay Locsin, nakatitiyak ang Pilipinas sa patuloy na suporta ng U.S. bilang isang kaalyado sa Indo-Pacific region, laban sa anumang pag-atake sa armed forces, public vessels o aircraft.
Inihayag naman ni Nuland na ikinagagalak ng Amerika na makasama ang Pilipinas sa paninindigan para sa international law.