Huling joint military exercises na ng Pilipinas at Estados Unidos ang gagawin sa susunod na buwan.
Ito ay matapos na ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ititigil na ang taunang military exercises sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Bukod dito, hindi na rin umano makikibahagi ang Pilipinas sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea dahil ayaw ito ng China.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
War on drugs
Samantala, patuloy pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbanat sa Amerika, United Nations at European Union sa usapin ng extrajudicial killings.
Ayon sa Pangulo, muling inulit ng Pangulo na hindi dapat na makialam ang ibang bansa sa paraan ng administrasyon para matigil ang operasyon ng iligal na droga sa Pilipinas.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Binigyang diin pa ng Pangulo na wala siyang nilalabag na batas ng Pilipinas, lalong walang karapatan ang ibang bansa na papanagutan siya.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Rianne Briones