Welcome sa Department of Foreign Affairs o DFA ang nakatakdang pagbisita sa bansa ni US Secretary of State Rex Tillerson para sa annual ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Regional Forum.
Ayon sa DFA, umaasa ang pamahalaan na magiging mabunga ang pag-uusap ng mga lider ng mga bansa kasama si Tillerson.
Kabilang naman sa mga posibleng matalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang sitwasyon sa Marawi City, pandaigdigang banta ng terorismo at pagpapalakas ng ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Sinabi pa ng DFA na magandang pagkakataon din ito upang mapagtibay ang samahan ng Estados Unidos at Pilipinas.
By Ralph Obina