Nasungkit ng Philippine Men’s Water Polo team ang kanilang kauna unahang panalo sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Natalo ng mga Pinoy ang Thailand sa score na 7-4 sa naganap na labanan sa Aquatic Center sa New Clark City kahapon, Nobyembre 28.
Magugunitang noong Martes ay tabla ang laban ng Philippine team kontra Indonesia.
Susunod na makakalaban ng Philippine Men’s Water Polo team ang Malaysia sa Linggo, Disyembre 1.