Tinapos na ng Philippine Women’s Beach Volleyball team ang 14 na taong tagtuyot sa medalya ng bansa para sa nabanggit na sports.
Ito ay matapos masungkit ng koponan ng pilipinas ang bronze medal sa ginaganap na 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Nakuha ng grupo nina Sisi Rodina, Bernadeth Pons, Dzi Gervacio at Dij Rodriguez ang medalyang tanso matapos nilang matalo ang koponan ng Singapore.
Sa tulong na rin ito ng panalo ng Indonesia kontra Vietnam.
Nakuha naman ng Thailand Women’s Beach Volleyball team ang gintong medalya habang pilak sa Indonesia.
Magugunitang, huling nakuha ng Pilipinas ang bronze medal sa Women’s Volleyball noong 2005 SEA Games na ginanap sa Bacolod.