Handa na sa kanilang pagsabak sa matinding ensayo sa Japan ang women’s national volleyball team ng Pilipinas.
Sinasabing ito’y bilang paghahanda sa mga naka-linyang kompetisyon sa Asian Seniors Championship at Southeast Asian (SEA) Games sa Agosto.
Sinasabing determinado ang koponan na makapagbigay ng magandang performance para sa bansa.
Kabilang sa mga inaasahang sasabak sa SEA Games sina three-time UAAP most valuable player Alyssa Valdez, Mika Reyes, Jaja Santiago, Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga.
By Jelbert Perdez
PH Women’s volleyball team handa na sa SEA Games training sa Japan was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882