‘Overwhelmed and overran’.
Ganito ilarawan ng Philippine Hospitals Association (PHA) ang sitwasyon ng mga ospital sa bansa Sa gitna rin nang pagsirit ng kaso ng COVID-19 dahil na rin sa overworked manpower.
Ayon kay Dr. Jaime Almora pangulo ng PHA nangyari na ang kinatatakutan nilang mangyari at ang grabeng sitwasyon aniya para sa kanya ay ebidensyang natalo na ang bansa ng coronavirus.
Sinabi ni Almora, na hindi maman ganuon kalaking problema ang hospital capacity kundi ang kulang na manpower para mag asikaso sa mga pasyente.
Binigyang diin ni Almora, na bago pa man magka pandemya nakakaranas na ng kakulangan sa nurses ang bansa dahil sa ibat ibang factors tulad nang pag phase out sa mga non performing nursing schools, K to 12 program na nag resulta sa kawalan ng nursing graduate sa loob ng isang taon at migration ng nurses mula private hospitals patungo sa gobyerno dahil sa mas mataas na suweldo.
Overworked na aniya ang medical staff na karamihan ay naka duty ng diretsong labing anim na oras.