Umalma ang Philippine Hospitals Association (PHA) sa anito’y arbitrary denial ng PhilHealth.
Kaugnay ito sa bilyun bilyong pisong halaga ng benefits claims na isa sa mga dahilan nang pag aray na ng mga ospital sa bansa.
Ipinabatid ni PHA President Dr Jaime Almora sa pagdinig ng House Committee on Health na mahigit 86 billion pesos ang claims ng mga ospital sa PhilHealth mula Enero 2020 hanggang Hunyo 2021.
Sa nasabing halaga P26-B pa lamang ang pinoproseso habang P46.6-B na ang naibalik sa mga ospital at halos P14-B naman ang denied.
Binigyang diin ni Almora na ang arbitrary denial ng PhilHealth sa pagbabayad ng claims ay malaking kawalan para sa mga ospital at morally wrong bukod pa sa labag ito sa batas dahil nagamit pa sana ito ng mga ospital sa pagpapaayos ng kanilang mga pasilidad.
Ganito rin ayon kay Dr Gerry Gonzales, Board Member ng sa Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) ang problema nila at tinitingnan nila aniya kung kakayanin pa nilang magpa sahod ng health workers.