Walang sapat na tauhan ang mga pribadong ospital para pangasiwaan ang mga dagdag ding kama.
Sa gitna ito nang inaasahang pagsirit muli ng kaso ng COVID-19 dahil sa delta variant ng nasabing virus.
Ayon kay Dr. Jose Rene Degrano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP), uubra namang magdagdag ng kama ang mga miyembro nilang ospital subalit kulang sa tao ang mga ito para mag-alaga sa mga moderate to critical patients.
Mayorya ng mga pribadong ospital ang naglaan ng 20% ng bed capacity nila sa COVID-19 patients tulad nang direktiba ng gobyerno.
Sinabi ni Degrano na nagiging problema rin nila ang nabibinbing pagbabayad sa kanila ng PhilHealth para sa COVID-19 cases noong 2020 na sa katunayan ay nasa 4% pa lamang ang nase-settle ng ahensya sa mga pribadong ospital.