Dumadaing na ang Private Hospitals Association Philippines (PHAP) dahil sa gastusin sa mga pasyente na hindi naman nababayaran ng Philhealth.
Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, PHAP President, umaabot na sa P29 na bilyong ang pagkakautang ng PhilHealth sa private hospitals.
Hindi na anila alam kung saan pa sila kukuha ng pera kung hindi naman na re-reimburse ng Philhealth ang mga nagastos sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Kasabay aniya nito ay ang patuloy na pagtungo ng mga pasyente sa ospital dahil sa nakakahawang virus dahilan para masagad na ang kapasidad ng ilang paggamutan sa Metro Manila.