Itinanggi ng Philippine Hospital Association in the Philippines (PHAP) na may mga private hospitals na tumatanggi sa mga hinihinalang infected ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Tiniyak ni Dr. Rustico Jimenez, pangulo ng PHAP, na agad nilang ipagbibigay-alam sa pamahalaan sakaling may mga pasyente sila na posibleng mayroong 2019 nCoV-ARD.
Ayon kay Jimenez, lahat naman ng ospital ay mayroong infectious room kung saan pwedeng manatili ang isang pasyente na hinihinalang infected ng virus habang sinisiyasat pa ang kanyang history lalo na ng kanyang mga biyahe.
Gayunman, duda si Jimenez kung kakayanin ng mga private hospitals na ma-accommodate ang lahat sakaling dumami ang ma infect ng 2019 nCoV-ARD sa Pilipinas.
Kailangan kasi anya sa ganitong kaso ang negative pressure room na iilang pribadong ospital lamang ang mayroon.