Nagbabala ang Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) kaugnay sa mararanasang mas malalang sitwasyon sa mga ospital sa bansa.
Ito’y dahil sa pinangangambahang paglobo ng kaso ng COVID-19 bunsod ng delta variant.
Ayon kay Dr. Jaime Almora, Presidente ng PHAP, mas nababahala sila ngayon dahil mas naging malala ang sitwasyon ngayon sa mga pagamutan bunsod ng kakulangan ng tao at pondo.
Kaugnay nito, inihayag ni Almora na masama ang loob nila sa gobyerno partikular sa PhilHealth.
Giit ni Almora, hindi na nga binabayaran ng PhilHealth ang kanilang utang sa COVID-19 claims ay minamasama pa ang kanilang trabaho.