Umapela ang Philippine Hospitals Association of the Philippines (PHAP) sa Philhealth na bayaran na ang tinatayang P18-B pagkakautang nito sa mga ospital.
Ayon kay Dr. Rustico Jimenez, pangulo ng PHAP, maraming maliliit na ospital ang nangangailangan ngayon ng pondo upang maipagpatuloy ang kanilang operasyon sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Una nang ibinunyag ni Cong. Rufus Rodriguez na nasa P14-B pa ang utang ng Philhealth sa mga ospital hanggang noong December 2018 at P4-B noong 2019.=
Sinabi ni Jimenez na patuloy na iginigiit ng Philhealth na wala silang pagkakautang sa mga ospital subalit may mga records aniya sila para kontrahin ito.