Handa na ang mga pribadong ospital sa bansa sa gitna ng pagsulpot ng bagong Omicron sub-variant BQ.1 sa bansa.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) President, Dr. Jose Rene De Grano, pareho pa rin ang ginagawang paghahanda ng mga ospital kahit anong subvariants pa ang dumating.
Walang dapat anyang ikabahala ang publiko sa bagong uri ng COVID-19 hangga’t ang sintomas nito ay mild at moderate lamang.
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na aabot na sa 14 ng kaso BQ.1 ang natukoy sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Cordillera Administrative at Ilocos Regions.
Samantala, nananatiling ‘manageable at low’ ang COVID-19 dahil sa mataas na health care utilization. —sa panulat ni Jenn Patrolla