Nagpaalala sa publiko ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) na hindi dapat magpakampante ang publiko sa kabila ng mababang kaso ng COVID-19 at mababang bilang ng mga naa-admit sa mga ospital kada araw.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni PHAPi President Dr. Jose Rene De Grano, na posible pang tumaas ang naitalalang kaso ng COVID-19 dahil sa mga immunocompromized at may comorbidities na mabilis mahawaan ng virus.
Ayon kay De Grano, ang mataas na kaso ngayon sa bansa ay ang mga tinamaan ng Dengue dahil sa pabago bagong panahon.
Sinabi pa ni De Grano na bukod sa mga nabanggit na virus, marami ding tinamaan ng Leptospirosis at Cholera o ang sakit sa bituka sa Davao Oriental at South Cotabato bunsod na maduming tubig.
Dagdag ni De Grano na sakaling mag-iipon ng tubig, dapat ay mayroong takip ang mga ito at siguraduhing malinis ang inuming tubig.